Ang saya-saya ko, promise! Lalo pa nung araw na iniwanan mo ako. Ang sarap magtatalon-talon nun sa tuwa. Kung maaari nga lang papakainin ko yung buong kabarangay ko sa mismong panahong yun eh ginawa ko na. At ngayong nakikita ko pang masaya ka sa bago mong tinatawag na jowa eh aba, ang lalapad ng ngiti ko. Kilig na kilig pa nga ako. Damang-dama at kita mo naman siguro sa mga kilos ko diba? Pero try mo lang akong tanungin kung kumusta na ako, wag na wag kang mabibigla kung magwawala ako sa harap mo ha? Pakidala nalang din ng tissue, baka maiyak pa ako sa sobrang tuwa na nagawa mo pa akong kumustahin matapos mo akong gaguhin. :)